Suppliers Rating


5 is the highest
1 is the lowest

$ 10,000 and below
$$ 11,000-20,000
$$$ 20,000-30,000
$$$$ 30,000-40,000
$$$$$ 40,000 and above

Church: Saint Peter Parish
Rate: 3
Peso Power: $$

From the moment Mark and I started talking about weddings, alam na namin na
we're getting married in this church. May meaning kasi sa min. I liked the set
up sa church. Calla lilies ang flowers sa aisle and light pink talaga yung
ginamit nilang ribbons. Natakot din kami baka ma cut yung picture taking kasi
super strict sila sa time pero natapos naman lahat pati recessional on time.
nagkaron lang ng konting problems kasi they didn't really discuss to us the dos
and donts. Bawal pala ang sariling wedding vows sa kanila. Then on the day ng
wedding, muntik ng hindi ma play yung ento march kasi may hindi nailagay na wire
yung staff nila. Buti nalang dala ni mark lahat ng gamit niya. Ginamit naming
laptop and hard drive niya para ma play yung song.


Reception Venue Max's San Mateo
Rate: 4.5
Peso Power: $$$$$

We love talking to this supplier kasi ang daling kausap. Sobrang friendly pa
nila. May mga requests kasi ako sa set up like may sarili akong table runner,
may mga flowers ako and mini fishbowls. Sila na bahala nagset up nun basta
ibigay ko lang sa kanila lahat on time.Then nung Ondoy, sobrang nabaha sila so
nasira ng onti yung garden kaya nagrenovate sila. Natouch kami kasi pinush nila
ang opening ng December 4 in time for our December 5 wedding. Ang ganda ng
place! The only problem sa wedding day dun lang kami tinanong kung anong
kakainin namin ni hubby. All the while akala namin same sa hinanda namin for the
guests. Pero very minor lang naman yun and we still like them.

Main PV: Niceprint
Rate: 3.5
Peso Power: $$$$$

Rate basis is from prenup and wedding only.This is the very first supplier that
we booked. May mga times na dapat magpapalit kami ng supplier pero in terms of
output ng mga photographer and videographer, na exceed nila yung expectations
namin. Medyo nadisappoint lang kami kasi we gave instructions sa guestbook na
album layout din ang gawin wala ng space for writing talaga. As in prenup album.
Kahit si bien nag agree na pwede yun. Nagbigay din ng instruction si mark sa
graphic artist. Then nung nakuha namin, hindi nasunod yung mga instruction and
hindi din pala narelay yung instruction dun sa mismong gumawa ng album so yung
outcome, mala guestbook pa din.

Back Up and Prenup : Paolo Ruiz
Rate: 5
Pao's gift for us :)

Pao's just starting sa wedding photography. I got him not just because he's a
friend pero dahil bilib kami sa talent and passion niya sa craft niya. Nakuha
niya yung mga anggulo and close up na navivisualize namin. We saw our wedding in
a different light which is our goal naman talaga for getting a back up. Walang
tigil sa pagkuha ng photos. Matter of fact, pagdating niya, automatic kumuha
agad ng photos, walang arte arte. Malikot siya kumuha so we know nacocover niya
din lahat. Sa prenup naman, nagustuhan din namin yung treatment niya sa photos
and yung buong outcome ng set. Mabilis din siya magbigay ng output. One of our
highly recommended suppliers. :)

Rings: Suarez Wedding Rings
Rate: 5
Peso power: $$

We love our rings! walang naging problem when it comes to talking to them. The
rings came on time just like they said sa schedule. Ok din yung engraving nila.
Very friendly din yung store staff nila sa gateway branch :D

Invite Printing: Impress Prints
Rate: 5
Peso Power: $

This is a w@w find. hassle free transaction. I was the one who designed our
invite, nung nagbigay sila ng sample print, medyo parang may mali sa layout ko
so sila na nag ayos nun since minor lang naman. Yung print ok talaga, satisfied
kami sa quality and affordable pa. mabait kausap si jen and john.

HMUA: Rachelle Bailon
Rate: 5
Peso Power: $$

Wala akong masabi sa look ko that day. Feeling ko ang ganda ganda ko! Hindi ako
tinipid ni rachelle sa airbrush kahit na napaka affordable ng price niya.
Nakikinig din siya sa suggestions ko. And yung mga guests namin nag comment din
na ang ganda nga daw ng hair and make up ko. Yung mga abay siya din nag make up
and sobrang nagustuhan nila outcome. Madali pang kausap si rachelle. Yung nag
ayos ng hair ko, yung asst niya, si sha-sha. Ang bait din niya and nakuha yung
hair na gusto ko. highly recommended ko talaga itong supplier.

Gown Designer: Kat Pangilinan
Rate: 5
Peso Power:

Nag offer sakin si Kat na idedesign niya yung gown ko. She's my friend since hs
and alam ko mahilig siya mag design kaya ok lang sakin. I love the gown she
designed. Sabi ko lang gusto ko may shorter dress ako sa reception then siya na
bahala. Sinamahan din niya ko sa divi in search for tela and nag susuggest siya
alin ok and alin hindi 


Gown maker: Midi Shop
Rate: 1
Peso Power: $$$

Dito talaga ako na stress! Ang daming naging problem pero nung una, ang ayos
niya talaga kausap. Pero nung papalapit na, hindi pa niya tapos gown ng fg, mom
ko, mom in law, sister ko. Tapos ang daming palpak. Yung sa mom in law ko super
layo ng kulay and hindi nasunod yung design na siya mismo nag sketch. Hay! Then
yung gown ko, nung suot ko na medyo bumabagsak yung right side ng sleeve. May
fault din ako kasi nagtiwala ako agad nung una. Nung wedding day, 1 hr lang
tulog ko dahil sa kanila. Hinintay pa naming gown ng mom in law ko tapos wala
sila dala iron for my gown nanghiram kami sa hotel so lalo natagalan. Hay!

Choir: Rosa Mystica
Rate: 5
Peso Power: Donation for the choir

Goosebumps pag kumakanta sila! Sobrang ganda ng feeling ko nung lumalakad ako
kasi ang ganda ganda ng rendition nila ng bridal march ko! Ang bait bait nilang
lahat. Inaral pa nila yung march kasi never pa nila nakanta. We even watched
them at one of their rehearsals. nabigay din naman nila yung mga requested songs
namin so highly recommended supplier!

Hotel Preps: Torre Venezia
Rate: 5
Peso Power: $$

Great deal yung nakuha naming sa Torre Venezia. One year in advance booking
naming so medyo mababa siya. Also, naabutan pa naming yung promo na get 3 rooms
then free na yung isa. Great service and very friendly din ang mga tao. I really
like my room kasi 2 yung balcony niya hee  tama rin lang yung laki ng
room kahit na standard lang yung kinuha naming.

Flowers: Mang Boy
Rate: 4.5
Peso Power: $

Nung medyo malapit na wedding medyo kinakabahan ako sa feedback ni mang boy.
Pero nung nakita ko yung mga flowers, na satisfy naman ako. They were
beautiful.  feeling ko naman good value for our money. Sobrang gusto ko
bouquet ko. 4.5 dahil yung centerpieces ko sa reception wala sa basket pero
basket yung napagusapan. Pero very minor naman kasi maganda pa din kinalabasan.
:)


Here are our wedding photos. andiyan din photos ng rings, flowers, invites,
gown, hmu for your reference :)

Photos from Paolo Ruiz:
http://www.facebook.com/album.php?aid=131678&id=555493404&l=4657991cca

Photos from Niceprint:
http://www.facebook.com/album.php?aid=136876&id=555493404&l=a65bffce52
http://www.facebook.com/album.php?aid=137247&id=555493404&l=69dfcefc9b


Thank you so much sa w@w community! OF course kay ms benz and sir john! this
really helped us a lot sa preparations and i gained friends as well :)